Friday, March 20, 2009

Isa Ka Lang BANGUNGOT


" ISA KA LANG BANGUNGOT NA MADALI KONG KALIMUTAN!!!!!!! "


hindi ko maalala kung aling tagalog movie ko narinig ang lines na 'to. Pero ang sarap niyan sabihin lalo na sa taong feeling niya eh isa siyang malaking kawalan sa buhay mo! Sa taong akala niya siguro palagi ka lang andiyan para patawarin siya at magbulag-bulagan. Lalong lalo na sa taong akala siguro ay hindi darating ang araw na mag mo-move-on ka din!



sa mga binangungot na, pasalamat at nagising ka pa. it means bibigyan ka pa ng another chance to face the reality. kaya dapat gabi-gabi magdadasal na, na sana wag ka na ulit bangungutin pa. na sana wag ng bumalik ang masamang panaginip na yan sa buhay mo.


sa mga binabangungot pa diyan, gising!!!! gumising ka sa realidad!


at para sayo - bangungot, maraming salamat. lesson/s learned.