Tuesday, October 20, 2009

The Ultimate Measure of a Man...



...is
not where he stands
in moments of comfort and convenience,
but

where he stands at times of challenge and controversy.




**********

masaya pa tayo noon
magkasama sa maraming pagkakataon
kalokohan at kalungkutan
nagdadamayan
nagtitiwala sa isa't isa
umiiyak o tumatawa, magkasama

kaya hindi ko alam
kung ano ba ang problema mo!
at ano ang nag-udyok sayo
para gawan ako ng masama
at magkalat ng mga kasinungalingan
na alam mo mismo sa sarili mo
na mga HINDI TOTOO ang sinasabi mo

sa sobrang putak ng mabaho at nabubulok mong bunganga
gusto kong sumugod at ipagtanggol ang sarili ko
awayin ka at isigaw sa mundo
"SINUNGALING KA AT PATUTUNAYAN KO"

pero hindi kita pinatulan
nanahimik ako
binigyan kita ng lahat ng pagkakataon
para magsinungaling at mag-imbento
magpaawa na para bang ikaw ang api

isang malapit mong kaibigan
ang nagsabi sa akin:
"hanga ako sayo, May
kasi sa kabila ng lahat ng sinasabi niyang masama tungkol sayo
hindi mo ka pumapatol
hindi mo siya sinisiraan
hindi ka nagsasalita ng masama laban sa kanya."

at ang sagot ko:
"hindi importante ang ibang tao
ang importante
alam ng mga tunay kong kaibigan kung ano ang totoo
hindi ko kailangan magpaawa para may kumampi sa akin
dahil sa mga taong alam ang totoo
hindi ko kailangan ipaliwanag ang sarili ko
andito sila, sa tabi ko
sumusuporta at mahal ako.
basta't alam kong wala akong ginagawang masama sa kapwa ko
GOOD KARMA ang ibibigay sa akin
at BAD KARMA ang matatanggap ng sinungaling.

AYUN! na BAD KARMA KA NGA! tsk tsk tsk

umiyak ako dahil sa sakit ng ginagawa mo
sinira mo ang pagkakaibigan natin
pero ano sa tingin mo ang napala mo
sa masamang ginawa mo?

No comments:

Post a Comment